Thursday, February 18, 2010

KABATAAN NGA BA AY PAG-ASA NG BAYAN?











Kabataan ay ang tanging pag-asa ng ating bayan kayat ating pagtuunan ng pansin ang mga kabataang nagpalaboy-laboy. Bigyan sila ng magandang kinabukasan ng sa ganon magkaroon sila ng buhay na matiwasay. KABATAAN ANG PAG-ASA NG BAYAN..........diba.....pero paano yun sila din ang sumisira sa kanilang buhay..... nagpakalulong sa droga,di nag-aral naging estambay sa mga kanto...

Sunday, February 14, 2010

SINO NGA BA ANG MGA MAGULANG?







Ang mga magulang nagbigay ng liwanag upang makita natin ang kagandahan ng mundong ibabaw... Sila rin ang nag-akay upang maging mabuting anak sa pananaw ng ibang tao. Sila rin ang naging daan upang magkaroon ka nang magandang kinabukasan...Magulang na naghirap upang mailuwal ka sa mundong ibabaw.... Magulang na nagsakripisyo upang matugunan ang ating mga pangangailangan....
.

KABATAAN NGA BA MAY KARAPATAN SA EDUKASYON?




Marami sa ating mga kabataan ang ngangarap na makapag-aral...Subalit paano nga ba iyon mangyayari kung mismong magulang di kayang paaralin ang kanilang mga anak? Matatawag ba natin itong karapatan kung marami sa ating mga kabataan ang nagpalaboy-laboy sa lansangan? Kaya, sa magulang patuloy na inaalis ang karapatan ng mga anak nakapag-aral, simulan na ngayon habang maaga pa...Magulang makinig kayo... magulang bigyan ng pagkakataon na maging malaya ang ating mga anak.....Magulang bigyan natin sila ng panahon ng makapaglaro sa iba kasamahang kabataan....

MAGULANG INSPIRASYON NGA BA?

Masasabi ba natin ang magulang ay isang insprasyon ng mga anak?.... Katanungan na minsan di alam ang kasagutan sa kadahilanan ng mga bagay nakikita,nararanasan sa piling ng mga anak.... Kung ako ang tatanungin, talagang ang mga magulang ay isang inspirasyaon dahil kung wala sila tiyak wala rin tayo ngayon sa mundong ibabaw... Kaya, sa mga anak na walang pakialam sa paghihirap ng mga magulang, hinahamon ko kayo, halina't habang may panahon punan ang ating mga pagkukulang sa ating mga magulang....Ito'y sa pamamagitan ng pagbibigay ng halaga sa kanilang mga pinaghirapan, dugo't pawis na kanilang inilaan para lang sa ating kinabukasan....Pasalamatan din natin sila dahil sa kabila ng lahat palagi silang nandyan upang subaybayan tayo sa pang araw-araw na buhay.....Mga magulang na nagbigay ng inspirasyaon ngayon ay aanihin sa araw ng pagtatapos.....

Sunday, February 7, 2010

PANANAW.....KARANASAN.........HAMON SA BUHAY.....











Akala ko noon hindi na ako makapagpatuloy sa aking pag-aaral dahil ang aking mga magulang ay isang hamak na mga magsasaka. Ang aking nanay ay paralisado amg kaliwang kamay, subalit hindi iyon ang naging hadlang upang makapagtapos ako ng sekondarya....Kung anong hirap ng aking mga magulang siya rin naming naranasan na kung saan nakapag-aral eskuwelahan na walang sariling building, kagamitan at mga aklat....nag-aaral lang kami sa lumang bodega ng mga elementarya......Ang lahat ng iyon ay naging lakas upang magpursegi sa pag-aaral. At tanging inspirasyon ko upang makapagtapos ay walang ibang dahilan kundi ang aking mga magulang at mga ka-tribo. Hanggang isang araw di ko namalayan na napadpad ako dito sa Pamulaan........Dito ko nakilala ang iba't-ibang uri ng mga tribo, ugali, at pamamaraan kung paano mabuhay sa mundong ibabaw.....Kaya, sa mga kabataang katulad natin, huwag tayong mawalan ng pag-asa, bagkos ito ang gawin nating inspirasyon sa pagkamit ng ating mga pangarap.......May kasabihan na...... "SACRIFICE IS THE KEY OF SUCCESS".....




Sunday, January 31, 2010

Buhay sa Kagubatan.....


Sa mga nakaraang mga panahon, hindi mahirap mamuhay sa kagubatan sa kadahilanan na naroon na ang lahat ng iyong kakailanganin sa iyong pang-araw-araw na pangangailangan sa ating buhay. Ang ating inang kagubatan ay mayrong matatayog na punongkahoy, malulusog na mga halaman, sagana sa mga maamong mga hayop, malinaw at kulay asul ang mga katubigan, malinis at masamyoy ang ihip ng hangin, masayang nag-aawitan ang mga ibon.

Wednesday, January 27, 2010

Makikita natin ang kagandahan ng ating kapaligiran kung itoy puno ng halaman at bulaklak. Samakatwid, dapat pa nating linanginn ang kung anong ating makikita sa ating kapaligira n lalong -lalo kung itoy para sa kagandahan ng ating kapaligiran.